Sunday, May 7, 2017

Kailan ka Huling Naligo sa Ulan?

Ako, kaninang umaga. Naging routine ko na ang tumakbo tuwing Linggo ng umaga. Malas lang inabot ako ng ulan kanina. Nagawa ko pang umabot sa isang bus stop upang patilain ang ulan. Ang lagay kasi ng ulan dito, Bubuhos ng malakas at titila rin agad. Ganun nga ang nangyari. Kaso malayo pa ako sa amin. Hindi pa pala natila ang ulan sa lugar namin. hindi pa ako gaano nakakalayo ayan na ulit. Hindi ko naman naginawa pang bumalik pa sa bus stop. Tuluy-tuloy ko na. Bagong karanasan din ang tumakbo sa ulan. Masaya rin pala ― malamig, presko. Wala pa gaano makasulubong, pero mayroon pa rin tumatakbo. Pagdating ko sa palengke, meron din ako nakitang tulad ko na namimili na pormang tumakbo at nabasa rin ng ulan.

Umuualan daw sabi ni NikeRun

Umuulan, di lang kita pero basa naman ang daanan

Dito bago ako tumawid papuntang palengke

Nakakamiss rin maligo sa ulan. Naalala ko dating nastranded kami sa Corregidor dahil malakas ang ulan. Naisip ko sana pala may dala pa akong sobrang damit para nakaligo sana ako sa ulan.Noong bata kasi ako lagi kami pinagbabawalan maligo sa ulan kaya tuwing bumuhos ang ulan, wala, nakadungaw lang kami sa bintana pinanonood ang mga kapitbahay namin tuwang tuwa sa ulan. Noong nasa high school na ako, pwede na. Naalala ko pa tuwing Mayo rin yun. Iyong uulan maliligo ako. Pag tumila, banlaw na tapos bubuhos ulit maya-maya. Makikita kong dadaan mga kalaro ko sa basketbol na maglalaro sa ulan kaya lalabas ulit ako para maligo ulit sa ulan. Pagagalitan na ako ng nanay ko paguwi. Ayos lang, masaya e. Nakakamiss rin maging bata. Kanina paguwi ko sa amin hindi naman ako napagalitan kahit basa akong umuwi dahil sa ulan. Maganda pa kasi nawala ubo ko. Ang galing.