Sunday, April 12, 2015

Gatorade

Namiss ko ang Gatorade, dahil hindi ko siya nakikita dito. Masarap pa naman uminom pag tapos magjogging. May mga iba pa naman, Powerade, Pocari Sweat at iba pang lesser known local brands na common sa mga groceries pero gusto ko pa rin Gatorade. Naghanap ako, mga isang buwan din hanggang nakatagpo ako ng binebenta sa isang 7-Eleven na malapit sa hotel ni Angelica. Ang mahal, $3, lumalabas na triple ang presyo ng nasa Pilipinas. Nakita ko rin sa 7Eleven sa Orchard, $3.20, mas mahal pa. Sa Amerika, $1 lang. yung malaking bote na 32 Oz. sa Walmart. 

Tumingin ako sa NTUC FairPrice, ang nabibili na ng $3 ay ang mamahaling tubig:

Ang available lang na Gatorade ay ang ganitong klase:


Supot. Pag uwi ng Maynila bumili na ako ng Gatorade.


Imported yata ang available dito dahil in ounces ang unit, sa Pilipinas naka metric ang sukat. Sa Amerika lang ang ounces.

Ito ngayon, swerte, nakatagpo ako ng mura na katulad ng bote sa Pilipinas.

Napabili ulit ako ng dalawa. OK lang, sigurado mauubos naman. Kapag nagka-diarrhea ako, Gatorade p rin. Haha



No comments:

Post a Comment