First born unicorn,
Hard-core soft porn
-Californication, Red Hot Chilli Peppers
Napanood ko sa MTV dati tinanong si Anthony Kiedis kung anung meaning nung lyrics na yun, ang sagot lang “it’s poetry man!” naisip ko nun, tama nga naman, Art is open for all interpretation, bahala na mag-isip yung makakarinig ng meaning, magkatugma naman. Kung gusto naman malaman mga ibang bagay tungkol sa kanta, meron yun sa Wikipedia.
Ang point dito, ang art, kahit anung medium pwedeng maganda, tapos walang sense. Pwede ding panget, tapos may sense. Madaming grotesque na sining sa mundo kahit sa literature. Madaming progressive art movements. Hindi porket panget at hindi maganda sa paningin, e hindi na art. Nasa tumitingin naman yan.
Kahapon nabasa ko yung article ni Fr. Robert Reyes sa Bulgar na medyo may kinalaman dun sa Mideo Cruz predicament. “Sayang lang nga at napasarhan na ang eksibit at hindi na ito makikita ng mga biglang napukaw na interes dahil sa kontrobersiya”. Sabi ng pari. Hindi pala lahat ng pari bulag sa sining. Tapos sa editorial naman nung tabloid, sabi nung sumulat na mali ang pagamit ng art para sumikat. “Ang sining ay hindi dapat maging makasarili. Hindi dapat ginagamit upang sumikat. Bagkus ay may malalim kang responsibilidad na ingatan ang sining upang maging halimbawa sa mga kabataang nagaaral ng naturang larangan”. Shit. Hindi din alam ang sinasabi nung editor. parang sinabing bawal maging open minded ang isang artist. Balik sa panahon ng mga prayle.
Nung Hunyo pa daw bukas yung exhibit sa CCP. Sayang hndi namin dinaanan nung Cinemalaya season.
Siguro dalawang linggo din akong pinapaikot ikot sa Wikipedia ng isyung ito. Una, binaboy daw yung imahe ni Kristo. Ang alam ko kaya nagkaroon ng iconoclastic fury nung kalakasan ng protestant reformation sa Europa dahil nga bawal ang icons sa religion. Nasusulat nga naman yun sa ten commandments. O-ha! Sa una pa lang mali na yung may imahe ni Kristo. For iconoclasts, the only real religious image must be an exact likeness of the prototype – of the same substance – which they considered impossible, seeing wood and paint as empty of spirit and life. Thus for iconoclasts the only true (and permitted) "icon" of Jesus was the Eucharist, which was believed to be his body and blood. Pero kung iisipin sayang yung mga nasirang art nung Beeldenstorm.
| sayang yung nasirang artwork. galing sa wiki |
Kahit hindi ka relihiyoso, manghihinayang ka naman sa sining. Nakalimutan ko na kung kaninong bahay yun sa MTV Cribs dati. May painting sya ng Lady of Guadalupe sa kwarto nya. Sabi nya, hindi sya religious, but look at the artwork. Nung nakita ko sa internet yung Kristo na may puting makeup parang payaso tapos may clown nose din tapos may mickey mouse ears na gawa sa lata ng Coca-Cola. Hindi naman ako na-offend. Na-gets ko naman yung point. Pati yung mga halo-halong posters sa wall. Wala lang. Art nya yun. Sa kanya yun. Kelan pa bawal maging makasarili pag artist? (Naalala ko tuloy yung linya ni Jun Sabayton sa Rakenrol na "Hindi mo na ginalang ang pangka-second-degree non-conformist ko a"). Tapos magulo, mixed media. Ganun talaga ang art. I-search mo lang yung “progressive art” sa google images madami lang lalabas na kung anu-anong shit. May lumabas pa ngang “binaboy” na the “The Last Supper”. Art din yun. Hindi porket yung version ni Da Vinci yung maganda, e tama na yun. Bakit ba sila nasa isang side ng mesa?
| Dinner with Dali (google image search result) |
May mga nakikita akong comments sa Yahoo News na subukan daw gawin ni Mideo Cruz yun sa ibang religion, lalo sa Islam. Una sa lahat, ihanap muna dapat nila si Cruz ng idol ni Muhammad. Syempre walang ganun kasi bawal nga ang icons. Mga ka-shitan talaga ng mga tao makapagcomment lang. May senate hearing pa para sa issue e sarado na nga exibit. Makasawsaw lang. Maganda yung nabasa kong editorial sa Inquirer.net na sinulat ni Raul C. Pangalangan. "Mideo Cruz may have blasphemed but precisely for that reason we can only boycott but not censor him". Nabully lang talaga si Mideo at ang CCP ng simbahan.
Pana-panahon lang. Dumating yung the DaVinci Code na movie at book sa bansa pero hindi naman na-censor. Yun, sinadya talaga ni Dan Brown na maging kontrobersal para sumikat. Wala na syang nagawang maganda pagtapos nung mga kontrobersyal nyang books. Madami din daw inaccuracies historically sabi sa Wikipedia. Hindi ko binasa yung book na pinagpapasapashan sa klase namin nung college. Para kasing yung ganung istilo, hindi ko na gusto, pasikat lang yung author. May sikat na kanta yung A Perfect Circle ang pamagat "Judith". Kung papakinggan yung kanta, parang galit nga kay Kristo. Sa lyics, Fuck your God your Lord and your Christ. Naririnig to sa radyo dati pero may censor naman yung mga explicit na lyrics. Censor yung words pero hindi yung buong song. Sayang din naman yung sining. Maganda yung mga comment nung mga tao sa song na ito dun sa songmeanings.net. maganda ang kanta. Pwede irelate sa issue. Kaso ibang kaso naman yun. May governing body para dun. Pero sa art exhibit, wala namang ganun. Shit.
Kung yung Golden Calf siguro yung nilagyan ni Mideo ng mga condom to signify religion, wala sigurong issue, kaso kaunti naman siguro makaka-gets.
Ayos tong issue, gumana ang pagiging reseacher ko.








