Wednesday, July 20, 2011

Social Networking Sites

webcomic from Explosm.net

Yeah, Google+ is now starting to trend. Hindi ko pa masabi kung kailangan ko yan sa buhay ngayon kasi kamukha lang naman sya ng Facebook. Nakakatawa lang kasi andaming Google+ jokes ngayon sa interwebs. Nagsisign-up ang mga tao para malaman kung anu yun at para makiuso. Parang pagbili ng kung anung bagong release na Apple product sa market. May nakita pa akong contest tapos ang mananalo sesendan ng invite. LOL.
Kung iisipin dati si almighty Friendster lang social network na uso sa mga Pinoy. 2003 yun, kolehiyo pa lang kami tapos ewan, enjoy makita na dumadami ang friends lalo yung mga hindi ko na nakikitang mga kakilala sa high school. Wala naman kasi ako celfone nun tsaka maganda mabalitaan kung sino na ba ang nag-evolve na at naging chicks. Nung wala pa yun, sa YahooGroups lang. maliit na circle of friends lang tapos kung tamad ka pa magcheck ng email wala na. Libre pa dati ang Edsmail(wow! sobrang oldskul, year 2000’s), yung may installer pa na CD tpos modem connection lang oks na.Hindi na kailangan bumili nang tig-100 pesos na ISP card pang dial-up.
Yun nga, dumating si Friendster. Hindi na libre si Edsamail kaya medyo patay na ang yahoogroup. Wala naman kasi kakayahan si Friendster sa broadcast type na pagmessage kaya kung may kailangan ibroadcast(e.g. birthday, debut, lamay etc..) sa groups pa din. Kung may paborito kang banda dati, magjoin ka ng yahoogroup nila para alam mo kung kailan sila may gig.

Bukod kay Friendster, madami pang nagsulputan na Social networks. Yung Myspace, hindi naman pumatok dito. Meron pang everyonesconnected.com na wala na din ngayon.

Mga pinatos ko lang syempre yung mga tingin ko kailangan ko. Gumawa ako ng account sa Multiply nung olats na yung Friendster kung dun ako mag-post ng pictures. Puro bugs. Nasa Amerika ako noon at syempre, madaming pictures. Nung una, ayaw ko pa gumawa ng account dun. Nakiki-access pa ako sa account ng kapatid ko kung may gusto akong i-download na mp3 dun. Panalo pa kasi yun dati, pwede magupload ng mp3 yung mga users kung bubuo sila ng playlist. Tapos accessible yung files sa iba pang users na maari naman nila i-download. Panalo talaga, hindi na kailangan mag-P2P. Safe pa kasi siguradong audio file ang mada-download. Pag sa mga P2P kasi baka worm lang na nagpapanggap na mp3. Bago yun nagsign-up din ako sa eskwela.com. Buhay pa naman ata yung site na yun kaso ewan, nagreformat na din.

Bukod sa mga social network, sumikat din ang pulpcommunity nun. Forum naman sya, uso pag medyo nakikinig ka ng Rock, at nabalitaan mo ang existence ng Pulp magazine nung mga bandang 2003. Yun lang yung alam kong forum na sumikat dati.

Nung nagttraining kami, nagawa din ako ng account sa Imeem. Dun puro uploadan naman ng music uso, audio man o music video pa. Pwede ata magdownload ng files kaso may bayad(hindi ko na maalala). Yung uploaded music naman ng ibang users pwede mo isama sa gagawin mong playlist. Kaya habang nagttraining, dun ako nakikining ng kung anu anung songs. Wala na din si imeem ngayon.minsan nagtry ako maglogin, wala na daw, buhay pa naman yung mga playlist ko kaso kailngan ko na magsign-up sa myspace. Kinain na sila ng Myspace. Ayoko na.

Dumating naman si Facebook. Isa ulit na social network. Nagpunta kami nun ng Coron, Palawan. Tapos kasama namin si Jun. I-upload na lang daw nila sa Facebook yung pics para makita namin. Ita-tag na lang daw kami. E wala pa kaming account nun kaya di namin makikita. May dumating naman na "wants to be friends with you" email sa akin, ianaccept ko. Yun..

Ok naman si Facebook. May real time update sa mga status ng mga tao. Panalo ito para sa mga stalkers at nagpapa-stalk. May mga games kaso hindi naman ako mahilig sa ganun. May chat kaya real time din ang usapan. Hindi na kailangan i-message na parang magaanyaya ako sa isang pyramiding scheme. Kumustahan lang. Ayos yun lalo pag wala sa YM list ko yung tao at napakatagal na panahong hindi nakakausap.

source of pic


Wala na ngang kalaban si facebook nung isa-isa nagshutdown yung mga kalaban.  Isang buwan na nakaraan nung ngreformat ang Friendster. May iba pang stuff around the net gaya ng Twitter pero hanggang ngayon, hindi ko pa din alam kung anung silbi nya.  Natawa ako sa tshirt design sa threadless na "I’m not a blogger, I just tweet a lot".hahaha..basura.
source of pic

Madami pang ibang bago(para sa akin) LinkedIn, Foursquare, Tumblr etc. Mahirap naman magbantay ng madaming social networks. Tatlong email accounts nga lang mahirap na. Para lang talaga itong mga ito sa mga walang social life(yung tipong tangible). Hintayin ko na lang kung papatok ang Google+. Maganda na din na may direct competition(o copycat, whatever suits it) ang Facebook. Tapos pag may improvement yung isa na wala sa kalaban, pwede din i-adopt. Bahala na lang ang netizens kung anu ang mas gagamitin nila.

source of pic

No comments:

Post a Comment