Ito ang yung declared long weekend kasi national heroes day tapos last day ng Ramadan. Pumatak sila ng monday ay tuesday kaya solb ang mga empleyado. Nagkataon pa ng kasal ni leklek ng august 26. Nag-leave na ako para super long weekend na. Solb sana, limang araw kaso wala ding kwenta. Andyan pa si Bagyong Mina.
Yun nga, Friday nasa bahay na ako. Yung kasal, Malabo yung invitation. Hindi ko alam kung anung isusuot ayoko naman kasing overdressed o underdressed sa occasion. Naghintay ako ng may magtext kaso nakatulog na ako buong araw wala dumating. Nung gabi may nagtext, nagtanong kung pumunta ako. Wala na. Gabi na yun. Wala ako ginawa nung unang araw.
Mayo pa lang may nakaplano na kaming lakad sa long weekend na to. Maghihike dapt kami sa Famy. Apat dapat kami kaso nung last week na plano, tatlo na lang kami. Hindi kami pwede lumakad ng Sabado kasi may checkup yung nanay ni Lady. Naging Monday ng hapon na yung huling plano kasi may symposium si Karlvin ng Lunes. Naging Martes nav yung last plano. Yung family ni Lady luluwas dapat ng Linggo. Nung Sabado kanselado na yung plano. Malakas kasi yung ulan.
Sumunod na araw,sabado nanood ako ng lumang Joey De Leon – Rene Requiestas na movie ng umaga tapos natulog ulit kasi umuulan. Ginising ako ng kapatid ko mga 10am kasi may bisita daw ako.classmate ko na nakita ng nanay ko sa palengke tapos nikwento na nagleave ako pero di naman ako nagpunta sa kasal. Tapos yun nga. Nasa labas kami ng bahay kahit umaambon kasi may mga aso sa loob ng gate. Nakipagkwentuhan yung mga nangyari nung reunion na wala ako kasi nasa Corregidor ako. Tapos nagplano kami na maglalaro kami ng basketbol kinagabihan. May schedule kasi kami sa Marikina Sports Center 10pm-12mn. Pagalis nya, natulog ulit ako.
Nung hapon ipapacheckup namin dapat si nanay. Nung nasa Marikina valley na kami, wala pala yung duktor. Maling schedule pala yung nakuha ng kapatid ko.nabasa pa tuloy kami ng ulan. Paguwi naming bumili kami ng mamahaling cassava cake tapos nagwithdraw na ako sa atm sa sm masinag. Nalaman ko na may Tutti Frutti yun, nilibre ko sila. Kaso yung nanay ko ayaw. Paguwi nilalagnat na ako kaso hindi ko na sinabi sa nanay ko kasi kakabahan nanaman yun.
Kinabukasan ng Linggo, ayun may sakit na nga ako. Mild pa lang pero meron na. Buong araw din ako wala nagawa. Nung lunes meron pa rin. Nagdecide na ako magpacheckup. Yung nanay ko bongga. Sabi sa St Lukes na daw. Yun nga. Nagpunta kami mga 10am. Angdaming tao sa ER. Maraming bata. Ganito pala kahit mamahaling ospital kapag panahon ng Dengue. Siksikan pa din. Kinuhaan ako ng dugo para icheck yung platelet count kung dengue. Normal naman. Ang reseta sa akin pagkalipas ng 3 oras naming nagstay dun paracetamol at nafarin lang. Ayun na yung lunes, wala na naman nangyari.
Martes wala na yung bagyo, medyo umaaraw na kaso syempre mabinat lang ako.
No comments:
Post a Comment