Weekends lang ako madalas sa bahay kaya weekend lang din ako nakakapanood ng TV. Nakakatamad na din umuwi ng Friday dahil ginawa nang Linggo nang umaga yung Loko Moko sa Channel 5. Ewan ko ba, tumaas na yata ulit yung rating ng Bubble Gang dahil dun sa usong-uso ngayon na si Boy-Pickup. Dadating din araw na malalaos yun. Nakakatawa din naman yung nakaisip ng concept nun. Cool sa una pero nakakasawa rin mag-isip ng point ni Boy Pickup at hindi naman ako manonood ng nakakatawang palabas para lang pagurin ang utak ko.
Kapag primetime hindi naman ako makasingit sa pinapanood nilang Channel 5 sa bahay. Buti pa dati na dalawa yung TV namin, ngayon isa na lang. Badtrip lang manood kasi puro na lang talent shows. Nakakaloko kasing pauso ng American Idol pangtapat dati nung nauso ang Reality TV kalakasan ng Survivor, Fear Factor, Amazing Race, etc. Apparently, reality shows pala yung mga ganung palabas. Screw them! Ang layo kaya ng singing contest sa reality show. Ngayon angdami dami na nila. Tatlong local networks puro ganun yung palabas. Mataas yata kasi yung rating ng Talentadong Pinoy kaya need na tapatan ng mga kalaban. Hahaha. Nagsisiksikan na yung mga talents nila sa mga Sunday noon time shows nila. Tapos yun na yun. Hindi naman na sila sisikat. Patay na ang FM radio sa Pilipinas. Asa naman na mag peperform sila sa mga bar tapos may manonood na faithful nilang text voters. Kung ikaw naman mapadaan sa mall tapos may show ang isang winner ng reality show(singing contest), titingnan mo lang naman kung nagimprove na yung hitsura pagkatapos manalo kung mukha nang artista at nag kick-in na yung pagpunta-punta kay Belo at Calayan. Pero pang-mall shows lang sila syempre, naroon yung masa fans tapos magpapapirma sila ng CD na puro naman revival ang kanta. Tae. Wala naman bibili ng ganun. Kahit siguro pirata. hahaha.
Bulok. Meron pang nalalaman yung GMA na Protégé. Bagong talent search. Pano pag magaling ka nga, hindi ka naman natapat sa tamang mentor. Kunwari mentor mo si Jay-R.hahaha.
Di ko sure pero dapat songwriters na lang kaya hinahanap nila. Kokonti na lang yung tunay na mga composers. Kasi naman habang mainit pa yung pangalan ng talent kailangan may kanta. Kahit revival basta may makanta lang. Si Yeng Constantino pa lang talaga yung nagiisang produkto ng talent search na may talent. Lahat wala na. buti na lang may mga ilan-ilan na local artists na nabibigyan pa rin ng break kahit hindi cover songs ginagawa. Yung kanta dun sa tagalized 49Days sa channel 2. Ayos yun. Pwede.
Ang dami-dami na nilang artista, naghahanap pa sila ng bago. Kawawa naman, lilipat lang ulit sa Channel 5. Ang konti lang naman ng shows dun, wala pang noon time show. Hahaha. Kung hindi makalipat wala na, makakalimutan na lang sila ng madla.
No comments:
Post a Comment