Dati kapag magpupunta sa ibang lugar lokal man o sa ibayong dagat, keychain lang na pasalubong ayos na. Pasalubong na yun. Ngayon iba na, Sosyal na mga tao lalo yung mga umiinom ng starbucks. Hahaha. Hindi naman ako mahilig uminom ng kape dun, umiinom ako minsan pero hindi naman ganun kapanatiko lalo pa na nasisira sikmura ko sa kape. Ayun nga, kinokolekta ng mga tao yung mga mug, lalo yung may nakasulat na pangalan ng lungsod kung saan iyon nabili. Isang beses sumubok ako magpabili sa kapatid ko ng mug sa Jakarta, Indonesia nung minsan napunta sya roon para sa trabaho. Yun, nahilig na rin sya at sunud-sunod na rin ang pagpapabili nya ng mug sa ibat-ibat sulok ng Asya. Nasa Amerika ako ngayon at sa loob lamang ng dalawang linggo ay nabili ko itong mga mug. Hindi naman siguro ako maadik dito. lalo pang ang mahal, sampung dolyares bawat isa. Kung iisipin naman, mas mabuti na ito kolektahin kumapara sa taunan nilang planner na kinokolekta ng iba kasi wala lang, umiinom sila ng kape tapos hindi naman pala gagamitin. Ito siguro pwede naman gamitin. Pwede pa ibenta sa ebay ng mas mahal.
No comments:
Post a Comment