![]() |
| mula sa facebook |
Hindi ko sila napanood noong may gig sila bago ako magpunta ng US noong 2011 hahaha. Hindi rin ako nakapunta noong Pebrero. mabuti na lang may gig sila kagabi at nakapunta ako. Hahaha. Ewan. May nagtanong ano bang sikat nilang kanta. Wala. Pero gusto ko sila mapanood. Wala na rin silang bagong album, parang side project na lang talaga pero solid kasi yung album nila dati.
Ayos nga kasi Martes, madalang ang tao. Ang hirap makipagsiksikan sa Route 196 kapag Up Dharma Down e. Ok din kasi hindi sila kasing sikat hehehe. Apat na kanta lang din. Bitin. Marami naman kasing banda ang tumugtog tapos pakiramdam namin kami lang ang customer doon na hindi kilala ng mga banda, yung totoong customer. Kahit ganoon, nakiki-sing-along pa rin naman ako, ako lang mag-isa.
Ok din naman yung iba sa line-up. Buhay pa pala yung Frio, at may pangatlong album na daw. Dati walo sila, ngayon lima na lang. At least kahit ganito, buhay pa rin naman ang OPM.

No comments:
Post a Comment