Ang bobongga ng Palabas ngayon sa ABSCBN. Hi GMA musta na? Text text na lang tayo.
— Senyora Santibañez (@DonyaAngelica) June 1, 2013
Sa mga noontime show makikita ang lakas ng isang television network dito sa Pilipinas. Totoo yan, kasi kahit yung mga tao na hindi mahilig manood ng TV, kumakain ng tanghalian. Sa opisina kapag tanghalian lang nakakapanood ng TV ang mga empleyado. Sa amin dito Showtime ang napapanood. Ewan ko pero dati Eat Bulaga naman. Hindi rin ako mahilig makibalita sa shobis tsismis pero sa mga noontime shows meron naman na akong masasagap. Tulad ng mga pagyurak ni Vice Ganda kay Nancy B pati yung naging atraso nya sa mga reporters ng GMA bukod kay Jessica Soho. Mahusay daw yun kasi publicity pa rin, dagdag audience. Lagpas sampung minuto rin kinain ng apologee nya sa ere.
Balik sa estado ng noontime shows: Eat Bulaga, wala nang tatalo dyan dahil institusyon na yan sa TV kaya yung latak na audience na lang ang pagtatalunan. Bumalik si Willie sa noontime pero matatanggal na yata. Wala syang bagong publicity stunt gaya ni Vice. Ok na yun.
Kapag Linggo, may noon time show din. Noontime variety show kung saan may avenue ang network upang i-showcase ang lahat ng kanilang mga hired talents. Requirement sa talents nila na kailangan mahusay sa lahat ng skills: kumanta, sumayaw, mag-host. Kung nanonood ako ng ASAP Remix sa Jeepney channel nakakatawa pag makitang yung fashion ng 90's pati na rin yung mga artistang hindi naman kahusayan sa pagsayaw tapos nasa entablado sumasayaw kasama ng Streetboys. Ewan ko kung hanggang ngayon ganoon pa rin sa ASAP. ganoon din naman sa SOP. Nakakatawang maalala sumayaw si Bernadette Allyson dati. Requirement talaga lahat ng skill kaya eh, kahit hindi kahusayan.
"Itong ASAP tuwang tuwa ngayon Natalo na nila ang dati'y hindi nila matalo Ngunit, bakit, hindi nyo ba alam Kami'y magbabalik, at di pa tapos ang laban.." -SOP Farewell Episode
Yung GMA naman hindi matibag yung ASAP. Ahahaha. Eh ang sunday noontime show naman ay showcase ng talents nila, parang sinabi na ring walang binatbat ang talents nila sa talents ng kabila. Tinanggal nila yung SOP pinalitan ng Party Pilipinas. Noong Pebrero nakatanggap pa yung show ng probation sa MTRCB dahil isa isang bastusing dance number. Ganun ata sila kadesperado. Last month, tinanggal na rin yung show na yun. Kahapon nadaanan ko tagalized movie din ang ansa block na yun. Hahaha. Kaninang umaga nakita ko sa tabloid yung lists ng GMA ng bagong shows nila. Meron pamagat "Sunday All-stars" tapos mga mukha rin naman nila Regine, etc yung andun. Ganun din parang SOP o Party Pilipinas din pala lol. Kunsabagay, kung ibang show totally, kawawa naman yung mga talents nila wala nang trabaho. Kawawa naman malamang nasa kontrata na may pananagutan ang network na bigyan sila ng show.
Mabuti pa yung TV5 dati may Game 'N Go. Magandang palabas yun kaso nagreformat tapos nawala na lang bigla. Siguro hindi na nila kayang tustusan yung pagpapasahod sa mga artista at gastos sa production. Mas OK na yun kaysa nung sinubukan nila makipagsabayan sa mga noontime show pag linggo, yung kawawang PO5 na palabas dati.
Buti ako pag nasa bahay nang Linggo, pinapanood ko minsan yung palabas sa Channel 4, Asenso Pinoy at Ating Alamin. Hindi ko talaga kayang manood ng mga artistang nagpapacute, kumakanta, bumibirit o sumasayaw. Tapos may guest na banda pero kakanta sila may kasamang epal na artista. Hahahaha. Galing pa yan sa kanta ng Itchyworms, pero si Jugs ngayon nasa Showtime. The Irony!
No comments:
Post a Comment