Alam kong may pera lang itong may dalang SLR na to at hindi niya talaga gusto aralin gamitin ang dala nyang Nikon. Una, nasa Sta Lucia East mall at nagpipicture lang ng baby na nasa stroller. Yung baby parang may lahi kasi brunette. Pangalawa, mayroon siyang camera bag. Pangatlo, naka-kit lens. Pang-apat, pinakamatindi: naka-live view.
Kahit gaano kalikot yung bata, ok lang mahirapan siya magfocus gamit yung live view sa lcd display. Habol dito, habol doon. Buti na lang at may automatic settings. Kung gusto niya aralin magpicture ng tama e di sana sa view finder siya sumisilip para mas maganda yung kuha. Parang tanga lang. Sayang lang pinambili niya ng camera.
Pagkatapos niya magpicture-picture kinalas na nya yung lens sa body, at tinabi na yung body at lens nang magkahiwalay doon sa camera bag niya. Ang hirap ng ginagawa niya kanina kasi wala rin strap yung camera.
Hahaha. Ganito kapag nakatambay sa mall nagpapalipas ng oras, kung anu-ano napapansin.

No comments:
Post a Comment