Wednesday, January 29, 2014

I-push



Nakuha ko iyang larawan sa isang viral na gay lingo version ng isang kanta na galing din sa viral na pinaguusapang pelikula ng Disney, "Frozen".

Ang galing ng gay lingo dahil nagiging bahagi na sila ng pananalita ng kahit na sino. Marami na rin kasing bakla at sikat na sikat pa ngayon si Vice Ganda. Hindi ko maisip kung sinong dating artista o komedyante ang maihahambing sa kasikatan nya ngayon. Si Vic Sotto na lang siguro. Pero iba pa rin. Si Vice Ganda pwede maging asshole, at offensive sa tao. Ok lang yun kasi bakla siya at ganung tipo ng comedy ang meron sila, ang pangookray. Nagbabayabad ang mga tao pumunta sa Comedy Bar para makarig ng panlalait, kabastusan at mura. Hindi pa ako nakapunta sa comedy bar pero meron naman narration ni Lourd ng karanasan niya. Nakakatawa na yun ngayon. Kahit ganun, parang may Midas touch si Vice. Ang galing pa magpauso, becky words o sayaw. Sinong magaakala na sisikat pagkalipas ng labinlimang taon ang kanta ng Fruitcake na "Oops Kiri". Hindi ko na nabalitaan kung nasaan na yung mga batang kumanta nyan dati.

Minsan kausap ko si Chast nagamit ko yung salitang i-push. Hahahaha yun na yung pinakamalapit dun sa iniisip kong idiom, "forcing the issue". Natawa lang siya kasi yun naisip ko. Pero naisip ko naman agad yung gusto ko sabihin. Hindi naman ako mahilig manood ng mga palabas niya pero narinig ko na nagamit yan dati. E wala, bahagi na yan ng wika ngayon. Sobrang dynamic talaga ang wikang Filipino. Nanood ako ng Bubble Gang Tropa Moko Unli noong Sabado, noon ko lang natutunan yung salitang paminta.

No comments:

Post a Comment