Sunday, January 29, 2017

Hele sa Hiwagang Hapis


Muling nagbigay si Starhub ng free preview ng marami nyang channels dahil Chinese New Year long weekend. Namiss rin naming makapanood muli ng Waku Waku Japan at KBS. Tanghali nang nakita ko na ineere pala sa CinemaOne ang Hele sa Hiwagang Hapis. Ito ang sine ni Lav Diaz na walong oras ang haba. Swerte dahil walang pagkakataon na mapanood ko ito noong nakaraang taon. Sa napanood ko, ito ang aking mga komento.

Walong oras ang pelikula. Hindi ko alam kung gaano kaya ito natis ng mga huwad na fans ng indie at nais lang mapanood sila John Lloyd at Papa P sa isang obra ni Lav Diaz. Ito ang para sa akin ay ang mga prerequisite upang kahit paano ay maibsan ang pagsasayang mo ng walong oras:

1.    Kaalaman sa kasaysayan ng Filipinas lalo ang tungkol sa buhay ni Bonifacio at Oryang
2.    Kaalaman sa El Filibusterismo
3.    Kilala mo sino ba si Bernardo Carpio

Mayroon dalawang kwento sa pelikula, ang una ay tungkol kay Ka Oryang at ang isa naman ay ang kanila Simoun at Isagani. Kung wala ka masyadong maalala sa mga pangyayari sa libro, siguro ay hindi mo masusundan kung bakit umiiyak si Basilio sa puno ng Balete; Sino si Quiroga; kung bakit kailangan makarating ng mamatay nang si Simoun sa bahay ni Padre Florentino. Ang tagal nila naglalakbay, ang tagal naman mamatay ni Simoun. May isa lang akong talagang naalala sa aklat. Siguro dahil sa katapusan na ito ng kwento kaya naalala ko pa. Sa pangungumpisal ni Simoun, naglapit ang pari ng silya sa kama ni Simoun at nagtakip ng panyo sa mukha, tanda ng pangungumpisal ng isang mamatay na. hindi ko ito nakita sa pelikula. Maliit na detalyeng naalala ko pa.

Napanood ko naman yung Norte (sa Norte rin maririnig ang paboritong salita  ni Lav na "diskurso"). Sanay na ako sa istilo ni Lav na isang kamera lang. Dito, di gaano ganun ka-cinematic ang mga kuha. Malabo pa nga sa telebisyon. Siguro kasalanan na lang ito ni CinemaOne sa pagpalit ng format.

Sa mga ginamit nilang lokasyon, naiisip ko saan kaya yung magandang ilog, yung parang mga canal sa Venice ang dating. Nakakamiss rin ang mga bundok ng Cavite, kung saan isang buwan namalagi sila Oryang.

Nakakatuwa rin ang mga tikbalang. Malupit ang kanilang fashion sense. May mga kuhang maaring captionan ng internet ng "looks like they are about to drop the hottest mixtape of 2016". Parang ginawa silang bahagi ng pelikula upang walang soliloquy sa mga tauhan na kinakausap nila. Medyo troll din.

Madaya rin si Piolo. Ingles sila nagusap ng kapitan heneral habang yung iba, espanyol naman. Kung iisipin, castila ang tingin nila kay Simoun, kaya kaya dapat niya mag-spanish. Obvious pa sa dulo ng eksena nila, pinaliwanag pa na sapat sila pareho magingles. Pero para makabawi, nagsalita naman si Piolo ng Chinese ng kausap nya ang mga alagad ni Quiroga. Maayos naman ang ibang bahagi ng script. Hindi OA sa pagiging malalim na Tagalog at naiintindihan. Kung taga Nasugbu si Aling Hule, bakit wala siyang punto? Natatanong ko rin sa sarili ko kung totoong tao kaya si Caesaria Belarmino. Siya ang Juanario Galut o Ephialtes sa Labanan sa Silang.

No comments:

Post a Comment