Matagal ko nang sinukuang kumain sa Jollibee. Napipilitan lang ako kumain dito pag nasa probinsya. Napakawalang-kwenta ng serbisyong fastfood nila kumpara sa ibang kainan. Lalo sa Eastwood. Kahit naman sa ibang sangay nila bulok din. May mga epic na post din sa Facebook akong nabasa tungkol naman sa sangay nila sa Makro Cainta. Olats talaga. Sinubukan ko kainin yung malaling burger steak nila, kaya naman. ilang oras lang muli na akong nagutom. Yung iba nilang pagkain parang ma-vetsin sa panlasa ko. Kapag nasa Amerika, natatawa na lang ako pag may nagsasabing namimiss nila ang Jollibee, e wala naman sinabi lasa ng Jollibee sa In-n-Out.
 |
| Throwback. Jollibee San Francisco, New Year's Day 2009 |
Pero nung 2009, natuwa rin kaming makakita at kumain sa Jollibee sa San Francisco. Nagsulat pa ako tungkol sa pagkain namin dati sa Multiply. Mayroon din branch sa West Covina pero hindi kami kumain doon. May mas Pinoy pang makakainan kaya pass kami.
 |
| Uy may Jollibee! |
Nitong huling pagpunta namin sa Los Angeles, galing kami ng The Grove nang namataan namin yung Jollibee habang lulan pa ng bus. Malapit na rin naman pala sa bababan namin, Vermont-Beverly. Tumawid kami. Plano naming magpapicture lang sana para ipakita sa mga nasa Texas na namimiss ang Jollibee.
Tumuloy na rin kami kasi si Jazmin bibili daw ng burger na pasalubong. Kapag umorder kami, mas maiinggit sila haha.
Naalala ko ang Amazing Aloha sa labas lang ng Pilipinas available. Bumili ako. Ito yung burger na may slice ng pinya. Nag-come back ito dati sa Pilipinas, gusto ko sana subukan kaso ayaw ko naman kumain sa Jollibee. Ito na ang pagkakataon.
 |
| Meron sila ng umiilaw at nanginginig na bagay. Senyales na handa na ang order sa counter |
Maganda yung presyo, saktong limang dolyar kaya hindi na kailngan maglabas ng barya. paano kaya sa ibang state na may Jollibee rin? ganun din kaya ang presyo kung may mababa ang buwis?
Huli kong kain ng Amazing Aloha 90's pa. Nawala na lang sa menu. Gusto ko lang malaman ano na ulit lasa nito. Yung patty, so-so. Naging iba lang dahil dun sa pinya sa burger. Ok lang naman at nakaranas ulit kumain sa Jollibee.