Monday, February 28, 2011

Ano ang People Power para sa ating Batang 90s?

People Power. Sa mga batang 90s hindi ito masyado ganun kaimportante. Tayo ay pinanganak ng dekada 80. 1986 yun naganap kaya musmos pa tayo nun o kya ay di pa pinapanganak. Nabilataan ko na lang ito nung nagaaral na ako at syempre onting reference sa media nung late 80s at kwento ng mga matatanda pero wala naman talaga itong kahalagahan sa isang bata. Hindi din naman natin maikumpara kung may nagbago nga talaga nung nawala na si Marcos.
Nabasa ko sa Pillbox 3 ng Eheads dun sa “The Hatchets that would not be buried” ni Ely Buendia yung tungkol kay Marcos. A questionable thing he did was to ban Japanese robot shows on TV, this of course include Voltes V. They had to grow up without ever knowing how the story ended. He said that at that moment his childhood officially ended.
Hanggang ngayon, hindi ko pa napapanood ung ending nung Voltes V kahit ilang ulit na to inulit sa Channel7. Hindi naman talaga ako mahilig sa anime. Pero for a kid who would have loved this stuff then got deprived for no reasons, shit nga talaga yun.
Siguro kung hindi nangyari ang people power na yan, medyo messed up din ang childhood namin. Swerte pa kami at nalasap pa naming kahit konti ang mga cool na bagay na mararanasan lang pag bata. Pati na din ang mga bagay na meron noon na wala na ngayon. Tulad dati na may buhay pa ang channels 4, 9 at 13. Dun natin napanood ang Time Quest, Marimar, Ghost Fighter atbp. Masaya pa noon ang PBA. Tumigil na ako manood ng dumating na ang mga Fil-Ams, siguro mga 1997. Busy na din kasi ako nun sa pag-aaral sa high school. Nung bata ako naiinis ako pag may gusto kami panoorin kaso PBA ang kalaban na pinapanood ng mga tao sa bahay pero nung natuto na ako maglaro e nagustuhan ko na din manood. Gustong-gusto ko nun yung Swift na lagi naman tinatalo ng Alaska sa Finals.
Matino pang radyo. Kilala pa ang FM stations sa kanilang call signs. DWTM, DMZ, RX, WKC,DM,WLS, LA, NU. Yan na lang mga naalala ko. Hindi ko na alam callsign ng MRS(most requested song), Kool106, Mellow Touch at WRock. Tapos yung mga resulta ng weekly countdown nila na sinusubaybayan ko linggu-linggo e nakalagay din sa bandang likod ng mga SongHits. Asteeg pa kasi dati ang OPM. 90s nabuhay ang Yano,Rivermaya at EHeads. Nakakatuwa din nun pag may nakikita na akong pinoy artists na may music video sa MTV at ChanelV. Big Deal na yun dati na gumagawa sila ng video. Si Viktoria pa yung MTV queen dati. Tapos si Regine Tolentino pa yung unang pinoy vj sa MTV. Sa ChannelV, si Trey.
Nakikinig pa yung nanay ko kay Rod Navarro sa DZRH. Naalala ko pa si Lola Sela bungangera(isang radio icon) at ang footprints in the sand na tinutugtog pag umaga. Parang alarm clock ko sila pag narinig ko na sa karaoke namin. Inabutan pa natin ang Batibot. May mga educational shows pa ang ABS-CBN tuwing umaga na ngayon nasa Knowledge channel na lang ang reruns ngayon. Magaganda pa ang anime pag umaga yung World Masterpiece Theater na mga base sa mga classic literature. Tapos pag weekends may pang-batang cartoons din at For Kids Only, yung palabas na puro toys. Dun ko lang nakikita ang mga toys na hindi kaya ibili sa akin ng magulang ko. Pero ok lang. Tanggap namin na hindi kami magkakaron ng mga laruan na yun. Alam pa natin ang Funny comics at Hiwaga. Dati pag may laking abroad na papasok sa shobiz ang payo sa kanila ay magbasa ng komiks para daw gumaling sila magtagalog.
Madami din noong tagalog na pelikula. Ngayon kasi puro cheesy movies na lang ang ginagawa kapag hindi FilmFest. Nakakasawa. Dati may budget pa sila gumawa ng action films, comedy at horror na kung ngayon ko papanoorin ay lahat parang comedy din.
Masaya. Parang inabutan natin yung mga cool things from the past pati yung mga cool na bagay ng 90s na wala na ngayon. Siguro pag hindi nagpeople power ay iba pa din ang pamamalakad sa TV, Radio at print media. Kahit paano ay swerte pa rin kami.

1 comment:

  1. haha! panalo! naka-relate ako sa lahat!

    pinaka-naka-relate ako dun sa OPM. ibang klase, ibang level noon. ngayon, parang nawala na naman. looking back, ito talaga ang distinguishing mark ng generation natin.

    ReplyDelete