Prerogative ng magulang ang magpangalan ng anak nila. Madalas inaabuso ito. Ewan ko nga kung anung nasa isip ng mga magulang kung nagpapangalan sila ng mga ewan na pangalan. Isang napalaking responsibildad ang magpangalan ng anak. Minsan sa pangalan pa lang mabubully na yung anak nila.
Nung college kami tapos panahon ng entrance exam sa PUP, nakapaskil sa pinto ng mga silid na yung mga pangalan ng gagamit sa silid na yun. Kapag wala kaming magawa, iisa-isahin namin yung mga silid na nasa palapag namin tapos pagtatawanan namin yung mga mababahong pangalan. May iba mabantot yung apelyido pero syempre, wala na sila magagawa dun. Yung given names talaga yung mga kalokohan.
Mga 2003 yun, mga pinanganak pa ng late 80s yung mga mageexam kaya siguro medyo ok pa yung mga pangalan ng mga bata. Yung mga pinanganak ng 90s medyo weird na lalo. Ewan kung iniiwasan ng mga magulang noon na yung pangalan ng anak nila magkaroon ng hit sa NBI pag nag-apply ng clearance kaya paweirduhan ng baybay. Subukin mo lang tumingin sa listahan ng mga pumasa sa nursing board exam para maraming halimbawa: Chrizzle, Jhoanne, Raquelynne, Krizza Mae, Chantille, Jazelyn, Rezanne, Leizelle, Denise Sheilah. Isang pahina pa lang yan. Ang hilig nila sa titik H, Z at J. hahahaha. Wala pang jejemon sa pagtetext gamit ang Nokia, uso na pagdagdag ng extrang letra.
Ngayon yung mga kasing-edaran ko na yung may mga anak, abuso pa rin magpangalan. Hindi naman siguro mawawala yun dahil magkakaiba naman tayo ng definition ng "cool" at hindi na iniisip ng iba kung kabully-bully ba yung pangalan ng anak nila, kung maiisipan ba yun ng katugma ng mga makakalaro nila na magagamit pangasar. LOL syempre dapat alam nila yun.hahaha. Naisip ko nga kumusta ba yung mga bata dati nung 90s na pangalan Angelina.
Yung ka-tropa ko pinangalan sa mga anak nya Bob Marlee at Chris Angel. Yung isang kababata naman ni Chast sa Ilocos pinangalan sa panganay nya Abcde. Yung kapitbahay namin palayaw FPJ. Yung mga pangalan na idolo siguro nila kasi may school mate ako dati pangalan Michael Jordan, meron din Jallie Vee. Yung bida sa Ligo Na U, Lapit Na Me ang pangalan Karl Vladimir Lennon Villalobos.
Nauso rin yung pinagsasama yung pangalan ng mga magulang. Nakakatawa yun pag yung tipong maipilit lang, parang Junifer, Junard.
Kaya daw Brooklyn ang pangalan ng anak ni David at Victoria Beckham ay dahil "Made in Brooklyn". Hinanap ko ulit kanina sabi ni Victoria hindi naman daw. Meron naman ganyan magpangalan ngunit paano kapag may nagtanong sa bata, "Hija, bakit nga pala Mariposa ang pangalan mo?"
Yung classmate ko nung college pinangalan sa anak nila hood na hood yung dating, Desmond yata o Tayshaun, basta ganung tipo. Pag-aralin nila yun sa Amerika para magkaalaman.

Ginawa ko rin yan, yung pagtawanan ang weird na mga pangalan at apelyido ng mga nakapasa sa UPCAT (ang lakas ng loob ko e, nu, kala mo naman ang bango ng pangalan ko)!
ReplyDeletePero if you think about it, siguro pagkakakilanlan talaga iyan ng isang henerasyon. Ako ang ginagawa ko naman binabalikan ko yung mga dati: I mean, may panahon na ang mga pangalang (pasintabi po, hindi pa ako nanlalait) Procopio, Ciriaco, Placido, atbp, ang normal, pero siguro sa henerasyon natin magdadalawang-isip ka muna bago mo ipangalan iyon sa anak mo.
Darating yung panahon, yung mga pangalan naman natin ang maluluma, at yung mga weird-sounding names para sa atin ngayon ang siyang magiging bagong "normal" :)
Ako nga Eduardo II, uso dati eh, kita naman kasi maraming junior na kaedaran natin.
DeleteNung nasa Amerika ako tinanong ako bakit Hispanic yung pangalan ko kahit Pinoy ako. Pinaliwanag ko na naging kolonya tayo ng mga Kastila. Naisip ko at least bagay naman, hispanic yung name pati surname. Hindi tunog trying hard. Hindi na rin mabantot yung pangalan ko hahaha. Kahit gaano pa kaweird yung pangalan ng bata pagtungtong nyan ng high school o kolehiyo papalitan nya yan ng palayaw na hanggang dalawang syllable lang.