Malakas ang bagyo, may international news coverage. Yung chicks na reporter ng CNN na si Kristie Lu Stout lumipad papuntang Pilipinas. Grabe ang mga video at pictures na kuha sa dinaanan ng bagyo. Salamat hindi sya dumaan ditto sa amin, mas marami pa sigurong namatay. Sabi sa bilang humigit-kumulang 100,000 daw ang nasawi. Marami na yun pero kung dito talaga yun sa Luzon dumaan mas grabe pa ang damage. Yung mga nagyayaring looting sa mga malls doon maari rin mangyari dito.
Wala ako sa Pilipinas noong nangyari yung Ondoy, hindi ko nakita yung hitsura ng Marikina pero sa mga kwento nila sa akin yung lubog yung bahay, sira yung mga gamit, may mga namatay, may nakatusok pa nga na ulo sa gate. Grabe. Salamat at buhay yung mga kamaganak at mga kaibigan ko doon.
Ngayon itong Yolanda, super typhoon, sa tingin ko marami pang susunod na ganito kalakas dahil sa global warming. Kaya nang makabuo ng ganyang kalakas na bagyo sa karagatan. na-break daw nya yung existing scales ng lakas ng hangin mula sa isang typhoon. Kung noong nakaraang siglo tatlong category 5 hurricane sa US lang ang naitala(1935,1969,1992), ngayon sa magkasunod na taon nabuo ang Hurricane Sandy pati si Yolanda.
Lumipas na ang bagyo. Kahit isang buong araw lang dumaan ang bagyo ay grabe naman ang iniwan nyang pinsala. Nakakapanlumo. Ngayon siyempre kailangan tumulong. Pwede magdonate, pwede rin tumulong sa DSWD o sa mga NGO's sa pagrepack ng mga relief goods. Gusto ko rin tumulong sa pagrepack ng relief goods pero ayaw ko sa DSWD. May pagka-huwad yung trabaho doon, naiisip ko na yung mga first class na relief goods lalo yung mga galing ibang bansa nakatabi na. May mga ganun din naman stories sa ibang repacking facilities. Nakakaloko lalo yung sa istorya ng relief goods na Havaianas na kinuha ng mga nagrerepak. Ewan kung totoo yun.
May mga kakilala ako na pumunta ngayon para tumulong magrepack, meron nagpunta sa DSWD, meron din sa UP. Gusto ko sumama kaso may tinatapos ako sa opisina na kailangan na sa Huwebes. Mayroon din benefit concerts, gusto ko rin pumunta. Sa Friday meron sa Route196, kaso baka busy pa rin ako.
Buong araw medyo babad ako sa internets para maghanap paano magandang paraan para makapagdonate. Sana nga yung mga lumang damit sa bahay maipamigay na rin. Nakita ko yung Red Cross, legit na siguro yun. May paypal kaya mas convenient. Noong bandang hapon may office email, pag mag-donate kami, imamatch ng company namin. Ayun, nagdonate na ako. Ilang oras pa nagemail yung isa sa mga founder, dodoblehin daw lahat ng makakalap na donasyon. OK na rin kahit maliit lang naibigay ko basta meron. May magdaragdag naman. I feel glad for what I did. Kahit may problema ako sa pera OK lang, basta nakatulong. Meron ngang kwento sa facebook tawi kids nangalakal makapagdonate lang ng bigas, de-lata at treinta pesos. Asteeg. Pati mga preso tumutulong din at nakapagdonate.
Pagkatapos noon siyempre parang OK manghimok ng iba pa para tumulong din. Sila nga kaya paano pa yung mga taong may panginternet o may sariling cellphone. Parang gusto ko talaga ipost yung ganoong kwento o kaya idagdag na kung wala silang pera, malamang may pang-load naman sila pwede na yung:

text RED <amount> to 2899(Globe) or 4143(Smart)
Kaso naisip ko baka isipin naman ng tao akala mo kung sinong may na-donate.. Marami na rin kasi ako nakaaway sa facebook dati hahaha. Pwede rin baka isipin hindi ako credible sa mga ganyang bagay. Huwag na lang! OK na rin yung efforts ko.
No comments:
Post a Comment