Saturday, November 14, 2015

Paalam Credit Card

Minsan, kailangan lang talaga wakasan ang mga pagsasama kahit gaano pa ito katagal.

Ikaw ang una kong credit card. Nagsimula ang lahat noong bago pa lang ako nagtatrabaho. Panahong maliit pa ang sinasahod ko. Kahit ganoon, tinanggap mo pa rin ang applicatoin ko. Salamat. Hindi pa noon gaano uso ng credit card fraud. Ok lang magmay-ari, kaunting responsibilidad lamang. Mababa lang rin naman ang aking credit limit kaya isa pang OK sa seguridad. Feeling medyo sosyal, may credit card. Kasunod nito, ang pag-apply na rin namin ng linya ng cellphone.  May kasamang libreng cellphone sa plan 350 at ang bill nito ay automatic nang debit sa credit card account kaya maganda dahil isang bill na lang ang babayaran ko buwan-buwan. Ayos! Mga munting pangarap. Katulad lamang ng pagsakay sa eroplano na sa sumunod na buwan naman naisakatuparan. Ok rin dati nang may Mabuhay Miles pang naiipon sa paggamit ng credit card. Wala naman ako napala sa points. Hindi rin naman aabot para kahit sa isang local flight. noong isang taon nang ipapacut ko na rin sana ang card, nasubukan ko naman magredeem ng isang 500 pesos ng Gift Card ng SM. Pwede na.

Naalala ko pa noong unang taong pumipila pa ako sa Banco De Oro upang magbayad ng bill. Mabagal pa naman ang serbisyo ng bangko na iyon pero tiis lang. Welcome to adulthood: Ang pagbabayad ng bills. Maraming salamat talaga sa online banking. Hindi na kailangang pumila ng ganoon.

Kaakibat ng pagmamayari ng credit card ay ang pagbabayad ng annual fee. taun-taon din ay may paraan upang mai-waive ito: pagagastusin ka nila ng tatlong-libo yata sa isang buwan, pero tumaas na yata. Meron ding 50%  iwawaive nila. Annual fee lang talaga ang ayaw bayaran ng mga taong may credit card. Kung hindi ko pina-cut ang credit card, itong buwan dapat nila ako sisingilin. Ayaw ko na  masingil. Bukod diyan, bulok na talaga ang support nila. May oras na lang kung kailan sila may phone support. Kaunti pa ang agent nila. Kung tatawag ka, kailangan maghintay ng matagal. Sinabi ko itong reklamo dati noong una kong binalak na ipaputol, sabi pwede naman daw mas mabilis maasikaso ang tawag kung gagamitin ang feature na "Report Stolen Credit Card". Naisip ko naman na pwede yun kasama sa trabaho ko ang pagaaral ng exploit, pero syempre, may ibang taong mas nangangailangan. Gaya lang ito ng pagpapark sa disabled kung iisipin. Kaya, nope! Kapag email naman, asahan daw an 48 oras bago sila sumagot. Sa kaso ko, email lang ang choice.

Medyo nagmatigas rin sila na huwag muna ipaputol ang ugnayan namin. Kailangan ko muna bayaran ang huli kong bill. Ginawa ko naman. Dahil bulok ang sistema nila online banking na dati'y mayroong secured message na function, email lang. Sabi pa, upang masigurong ako nga ang nagpapacut ng account, tatawagan daw nila ako. Maraming beses sila tumatawag na hindi ko sinasagot. Mahal ang tawag  — nasa ibayong dagat ako. Ayaw ko na rin makipagusap pa, na binanggit ko rin naman sa email. Kung nakita nilang bayad na ang huli kong bill, "please consider it a verification that this is me asking you to terminate my account". Malipas ang ilang araw, marami pang hindi sinagot na tawag sa cellphone, pinutol na rin nila ang account ko. Salamat.

Ngayon, ok naman hindi na nila ako ginugulo. Nagunsubscribe na rin ako sa mga emails nila. sa cellphone mayroon pa ring push messages galing sa kanila. Paalam. Marami rin tayong pinagsamahan. May kasama ring lungkot na bagong yugto na ulit, hindi ko na sya kasama. Dati diretso ako sa shredder pag nagexpire yung card ko, lalo pa pag mga debit card na gamit sa Amerika pero ngayon, hindi ko ito isshred. Good times pa rin.

No comments:

Post a Comment