Kanina sumakay ako ng jeep. Lima pa lang kaming pasahero, nakaupo ako pangalawa mula sa bungad tapos yung katabi kong ale nagdedisyon nang iabot ng maaga yung pamasahe niya. Yung matandang babae naman na medyo sa gitna nakaupo na nagtetext lang ayaw iabot yung pinapasuyo kong pera. Abala siya sa pagtetext nya kaya bumangon pa ako sa pagkakaupo para iabot yung pera sa kundoktor. Nasa sakayan pa lang kami noon, Sa JP Rizal pa siya bababa. Hindi niya muna tinignan na hassle pa iabot yung pamasahe niya.
Maluwag pa nun tapos may baklang estudyanteng sumakay. Uulitin ko, maluwag pa, pero yung bagong sakay naman na 'to ayaw umupo kung saan maluwag. Sumingit pa sya sa pagitan namin nung katabi kong ale na maaga nag-abot ng bayad. Ewan ko kung bakit yung mga tao mas gusto talaga nauupo malapit sa bungad. Anluwag–luwag pa, hindi pa oras para makipagsiksikan. Dapat mamaya-maya pa yan pag pinilit na ng kunduktor na isa pa sa kaliwa o sa kanan kahit puno na talaga.
Sa kabilang side ng bungad, nakaupo naman yung isa pang estudyante na nagaaral ng pagkamarino base sa suot niyang uniporme. May sumakay na ale na may malaking bayong sabi niya dun sa estudyante na malapit lang daw sya. Natural matandang babae yun, malapit lang daw sya kaya umurong yung estudyante. Ang nangyari tuloy may malaking nakahambalang na bayong sa lahat ng papasok at bababa. Pinapaurong na nga ng kunduktor yung malaking sagabal na yun sa daanan pero wala rin. Nagbayad yung ale ng walong piso, sa Cherry Foodorama daw sya. Naisip ko, e anglayo pa nun e. Mula sumakay siya hanggang pagbababa angdami nang sumakay at bumaba ng jeep.

Bukod sa mga nabanggit ko, naisipan kong maglista pa ng ibang asshole na ugali sa loob ng jeep:
1. Ayaw mag-abot ng bayad(numero unong salot)
2. Nauupo sa likod ng drayber o kundoktor tapos ayaw magabot ng bayad
3. Kunwari tulog para hindi mag-abot ng bayad
4. Natutulog na nakasandal sa katabi (Maaring double standard kung chicks yung natutulog)
5. Tatabi sa iyo kapag nakaupo ka sa harap tapos ayaw bumaba muna pag pababa ka na
6. Yung may nakakalong na malikot na bata tapos madudumihan yung suot kong pantalon dahil sa sapatos nung bata