Tuesday, March 20, 2012

Bagyo = Tulog = Late

screencaptured mula dito
May bagyo. Anglakas ng hangin. Nung naglalakad ako papuntang mall nung linggo para akong saranggola na tatangayin ng hangin. Ganun na kalakas yung hangin pero wala pang ulan . Nagf-orecast sila kagabi nung nanonood ako sa News na dadating yung ulan ng mga 7PM. Yun nga, anggaling biglang buhos yung malakas na ulan walang ambon muna ng mahina tapos unti-uniting lalakas.
Umuulan kaya masarap matulog. Naiwan ko na nakabukas yung ilaw ko, kaya maliwanag paggising. Maaga pa nga ako nagising, nauna pa alarm pero sarap talaga matulog. Para akong bumalik nung mga araw na nagaaral pa ako. Gising na ako pero ayaw ko pa bumangon. Gusto ko pa hintayin gisingin ako ng nanay ko o kaya kung hindi na ako gisingin ibig sabihin nun wala ngang pasok dahil sa bagyo. Yun lang, hindi ganun. Kailangan pa rin gumising at pumasok. Yan, late tuloy ako.

No comments:

Post a Comment