Monday, December 31, 2012

Bosay, Rizal Day

Mga lakad na walang plano ang mga lakad na natutuloy.



Rizal Day tapos ilang araw ko na rin parang trip na magswimming kasi mainet. Yun nga, niyaya ko sila sa bahay na magswimming sa Bosay. Marami naman pagkain sa bahay kasi pasko kaya ok na. Pagkagising, hakot ng kaunting gamit: pangligo, kaunting pagkain na nasa mesa, mga camera tapos oks na. bumili lang kami ng yelo, ilang softdrinks, litsong manok at pansit sa may Antipolo pwede na. Kumuha lang ako ng tig-800 pesos na hut kesa dun sa cottage na may videoke daw kasi hindi naman kami magvivideoke dun, may bago pang Magic-Sing sa bahay.
 


Ok naman masaya. Kaunti lang ang tao. Nung hapon solo ko na yung Olympic-size pool. Maaga rin kami umuwi kasi may shift pa yung kapatid ko. Mabuti na lang dahil may banggaan sa may Sumulong Highway kaya napakatrapik. Solb naman ang lakad. Sumakit lang yung ulo ko sa sobrang kaka-floating.

No comments:

Post a Comment