Depende sa crowd, nagiiba ang taste ko sa humor. Lalo siguro sa kabastusan – toilet humor – green jokes. Kahit anong level na malapit dyan. Nitong nakaraan ay dumalo kami sa marriage counseling sa Cainta bilang requirement para sa pagkuha ng marriage license. Ang unang speaker ay may mga binbitawang mga jokes na may kinalaman sa kabastusan rin. Kailangan niyang magpatawa upang hindi manatiling boring ang diskurso. Marami jokes pero wala akong maalala.joke yun dahil nagtatawanan naman yung mga dumalo. Ewan. Hindi ko masakyan. Kahit yung sumunod na speaker patungkol naman sa family planning, nagpapatawa rin naman ngunit hindi talaga ako matawa. Pero kapag mga kagaguhang kabastusan siguro kausap ang mga katropa ko tawa na ako nang tawa. May pagkakataon pa ngang umiyak ako sa kakatawa dati. Hindi ko na iyon malilimutan.
Kung kasama ko naman yung mga nerd, ibang brand ng humor nanaman, yung medyo malalim na kailangan pagisipan ang logic. Ok lang, keri. Sarcasm? Game ako diyan. Standups? Kahit crude pa. May mga mahihina hindi natuwa sa paghost ni Seth McFarlane sa Oscars dati. Eh, ganoon yung material niya e. Na-gets ko rin naman nung una kung bakit nakakatawa yung pickup battles ni Boy Pickup dati bago pa siya magmukhang tanga at malaos. Ang galing ng nakaisip ng concept na yon. Nakakatuwa yung mga tanga na nabibiktima ng mga satire at fake news online at grabe magreact sa social media. Kailangan pa silang sabihan na satire lang yan.
Kaya ko naman mag-adjust minsan. Importante masakyan ko at hindi ako magmukhang slow, o not amused. Pero depende pa rin sa sitwasyon o sa crowd. Kaya ko naman maging asshole minsan, at magaling ako sa ganyan: ang maging asshole.
Meron lang talagang ibang klase ng humor na hindi ko masakyan. Yung kung paanong nakakatawa ang mga jokes ng mga bading na nangookray sa comedy bars; kung bakit nakakatawa ang mga minions na nagsasakitan; yung mga jokes ng mga konyo na minsan naooverheard ko kung nagkukumpulan sila; mga jokes ng mga douchebags na nakakatawa sa mga piling kababaihan. Hindi lang talaga para sa akin ang ganoong jokes. Magaling pa naman ako mangbara.

No comments:
Post a Comment