No sushi, no dentist? Who are you? A poor person. – Caroline, Two Broke Girls And the Rich People Problems"
Alam mong may pera ang mga Pinoy. Punuan sa sa waxing salons, nail salons at pati sa mga skincare clinics. Parang my pera na pala ako ngayon. Andun kami noon sa bioessense para magpa-facial nang mapuna ko yan. Ang chicks ko na ngayon, grabe. Ano kaya sasabihin s akin ng past self kong 16 years old kung magkita kami.
Last year nung nagkita kami ng katropa ko sa Medical City kasi magpapaderma ako, natawa siya. Tinawanan din ako ng kasama niyang si Aiza, yung gelpren niya that time. Parang iba kasi. Pang may pera lang ang mga ganyan haha. Kaso iba naman na yung kaso ko. Grabe na ang aking acne. Justified naman siguro, acne hindi pimple. Iba yung feeling na tatanungin ka sa reception bakit ka papa-appoint anong issue tapos sasabihin mo "acne". Nakakahiya, bakit pa kasi may ganoong tanungan. Paano pa yung mga mas nakakahiyang cases na sakit sa balat. Nagkita kami hindi na ganoon kalala pero paalis kasi ako noon at kailangan itanong ang kailangang maintenance.
Naging bahagi naman ng treatment ko ang pagpapafacial. Nakasampung facial na ako sa Bioessence. Ngayon, bagong kontrata na naman. Kung ok pa yung mukha ko tulad dati bakit naman ako gagastos. Tiis ganda rin ang pagtusok-tusok sa mukha.

Isa pa itong ngipin ko na dating dati pa pinagiinitian ng mga dentista. Ipa-ortho ko na daw. Ang dahilan ko pa dati, keri ko naman. Kaya ko naman makakuha ng gelpren dati kahit ganun lang ngipin ko. Ngayon escalated na muli. Noong nabasagan ako ng ngipin noong nasa Davao kami, at pinalagyan ko na ng jacket. Napagtanto ko na kailangan ko na ipaayos. Prone talaga sa sira pag magulo ang ngipin. Inisip ko magpabrace na pagkatapos ng Pasko para naman maenjoy ko pa rin kumain. Maraming pagkain sa bahay kapag ganitong panahon.

Hirap lang, status symbol lang ang pagpapabrace dati kaya hindi ko talaga feel, ako pa na non-conformist at walang pakialam sa uso. Lalo noong 90's. 1993 pa ang Pugad Baboy strip na yan. Naalala ko talaga yang komiks na yan kung usapang braces. Kahit ganyan, gusto ko naman yung kantang Alambre na sumikat din noon. Tsaka ang cute ni Marnie sa kanyang braces dati sa AngTV.
Noong nagpabrace na yung mga utol ko nang may trabaho na rin sila, at naririndi ako sa mga reklamo nilang hindi sila makakain pakiramdam ko ang aarte nila. Ginusto nila yun e.
Ngayon ito ako (siyempre walang pictures!), may braces di makakain, masakit ang ngipin. Hindi ko ginusto 'to e hahaha. Sa tuwing oras na para kumain, parang panibagong pagsubok. Tiis ganda pa rin. Mabuti na lang at nakikisama ang tiyan at esophagus ko at kaya ko lumunok kahit hindi gaano nanguya ang pagkain. Kung 4 years ago, wala ito. Mamamayat ako ng grabe dahil sa kundisyon ko.
No comments:
Post a Comment