Thursday, November 27, 2014

70's Bistro

Uploaded picture sa Facebook
Matagal ko nang gusto mapanood ng live ang December Avenue. Noong nakita kong may gig sila sa 70's Bistro, ito na ang pagkakataon. Malapit lang rin naman kaysa naman dumayo pa ako kung may tugtog sila sa bandang katimugan. Kamuntikan pa akong walang kasama: Si Chast Nightshift ang pasok. Si Brenda graveyard din. Si Angelica, may date. Tutuloy pa rin siguro ako kahit mag-isa ako. Mabuti na lang nasamahan pa rin ako ni Chast. Madali lang naman puntahan. Nag-jeep lang kami. Alam ko nakita ko yung anak ng ninong ko doon kagabi pero hindi ko na binati. Hindi kami close katulad ng ate niya at dalawa pang pinsan na nasa California haha.

Sulit naman ang "temporary deafness" na naidulot sa amin ngpagkakapwesto malapit sa speaker sa kanan ng entablado. Malaki rin yung lugar nila. Smoke free pa. Malapit lang din naman katulad ng Route 196 pero ngayon lang ako nagtungo doon. May kaopisina pa kaming nagbabanda na tumutugtog din doon. Olats lang kasi hindi available anf crispy crablets kaya nauwi kami sa tokwa't baboy.
Kagabi lang din ulit ako uminom ng isang boteng Pilsen. Kinaya ko naman siguro kahit medyo naguguluhan pa rin ang aking lower digestive system. Meron din pa-raffle. Nagbibigay sila ng speaker at t-shirt. Sayang wala talaga akong swerte sa mga raffles.

Magaganda rin yung bagsakan ng mga front act. Hindi ako inantok. Nakakatuwa na puro Tagalog lang yung kanta ng Talata. Yung Eleyn sayang last song na inabutan namin. Maganda yung line-up. December Avenue marami na ring fans. may mga nagrerequest. Marinig ko lang naman yung Eroplanong Papel solb na yung 300 pesos na binayad ko. 

Urbandub masaya rin. Ang tanda ko na kasi nababaguhan na ako sa ibang kanta nila na kahit alam ko, hindi na ako pamilyar sa lyrics. Siguro hindi na ako masyadong emo nang lumabas yung Embrace na album. Pero alam ko pa naman yung lyrics ng "Evidence".

Masaya. Buti nakapanood ako.


No comments:

Post a Comment